Linggo, Setyembre 23, 2007

Mabuhay ka, Anak ko! ni Pin Yathay

Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga’y namalayan ko ang ibang pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingi ng karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo, alas singko ng umaga. Bumangon ako, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka, Ang kalye ay bumabaha sa tao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway, waring lumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto ko na patapos na ang digmaang-pandaigdig.
“Thay, dear?”Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim, siguro’y pinanonood niya ako, naghihintay ng reaksyon ko.
“Dali ka, Any”.Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tension na pinatitindi ng kaalamang oras na para kumilos. Kailangan kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. “Katapusan na ito. Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.
Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo’t nagbihis; maliksi ngunit malamyos ang kanyang kilos at sa isang wigwag ng kanyang ulo’y naiayos ang buhok niyang hanggang balikat. “Ano’ng mangyayari?” tanong niya.
“Huwag kang mag-alala,” sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala para kunin ang mga gamit namin. “Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal din ang lahat.” Nagising sa boses naming ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakakatanda – ang siyan-na-taong si Sudath at si Nawath na limang taon – sa loob ng dalawang kuwartong apartment na bumubuo ng lugar naming sa bahay ng aking biyenan. “Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa bayan bago makarating dito ang sundalo.
“Nawath!” tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno it kay Sudath sa kama. “Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka!” muling tawag ni Any na lalong nilakasan ang boses. Kung minsa’y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pro talagang malilikot ang dalawa kaya kailangang higpitan ng kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindi iniintindi ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok na nagpalinga-linga. “Sige na, Sudath,” sabi ko sa panganay na lalaki. “Magbihis ka na. Hindi mo ba nakikitang nagmamadali tayo?”
Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam, mula nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang naming kung saan magmumula at kailan darating ang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaaan ang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at nakipagkasundong Magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon. Pinuno na naming ng gasoline ang lahat ng kotse. Wala kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipong naming at ang aking mga dolyar – tatlong libo lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mga balita – at isang cassette recorder na may kasamang reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa prosesyon – mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng lupa, isang diksyunaryong French-English, at mga bolpen at papel.
Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandaling ring iyon, pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alis ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin – mga libro, relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo – at minsan ko pang tiningnan ang paligid, iniisip kong mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat, ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge.
Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na noo’y sakay na ng kanilang Austin. Ikinaraga ko ang mga bagahe naming sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin sa kabila ng kaguluhan sa siyudad – ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malao, at patuloy na andar ng mga sasakyan.
Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mga tao, kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa maputlang liwanag ng madaling araw. Ang ilang pamilya’y naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina. Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man lang bumubusina, isang bagay na hindi mangyayarin noong nagsisikip ang trapik sa Phnom Penh, ilang araw pa lang ang nakakaraan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika na naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga ripple, walang takot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera.
May isandaaang yarda na ang nalalakad naming, mga taong parang duming lumulutang sa ilog, nang makarinig ako ng isang pagsabog sa gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa aming bahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa’y dumating ang mga ambulansya at bumbero, nagtutunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan at wala kaming magawa kundi tumigil muna.
Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan, nadama kong malayo na kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taong digmaang-bayan at sa kabila ng mga babala ng aking ama ujik sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan.
Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawampu’t limang milya ang layo sa hilaga ng Phnom Penh. Doon namuhay ang ama kong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman – tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubuong na pulang tisa at sahig na matigas na lupa – ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang ako’y edad disisiete, ako ang pinakamahusay sa matematika sa buong bansa.
Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ng aking kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa, at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia.
Bilang isang matalinong estudyante, nagiging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibang bansa. Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Cambodian, ngunit nagging sentro ng oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doon ako nag-aral ng inhenyeriya.
Bumalik ako sa Cambodia noon 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad ng karaniwang nangyayari sa mga bagong kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang panganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang kinabukasan.
Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at umugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaan sa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang makapangyarihan kapitbahay, lihim siyang ankipagkasundo na magagamit ng mga North Vietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa South Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay sa alanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia.
Bilang reaksyon sa pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang maliit na grupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge na ang karamiha’y pinangungunahan ng mga intelektuwal na nag-aaral sa France.
Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismo’y maraming problemang pansarili. Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay naming ang pagsilang ng aming pangalawang anak, nagkasakit ng Hepatitis si Thary na noo’y beinte kuatro anyos lang. hindi na siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang nakababatang kapatid ni Thary:si Anyung, beinte uno, at lalo na kay Any, disinuebe sa pag-aalaga kay Sudath habang ako’y nasa trabaho.
Nany lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any. Maganda siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan angkatawan. Sa edad na beinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath na parang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si Nawath. At noong 1973, si Staud naman.
Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at naging director ng Department of New Works and Equipment sa ministry. Ang posisyong ito ang nagbigaysa akin at sa aking pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampullitika at pangkabuhayan na bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi rin niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking palagay, masyadokaming kampante tulad ng iba pang kakilala ko.
Nagiging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahil sa naging patakaran ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sa bansa – humgit-kumulang sa apatnapung libo – kaya ipinag-utos ni Presindente Nixon na bombahin ang mga ito, isang lihim na ekstensiyon ng digmaan sa huli’y makakasira sa kanya at sa aminl. Taliwas sa inaasahan ang anging apekto ng mga pagslakay lalo nitong inakit ang pagpasok ng mga komunista sa Cambodia.
Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangako itong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Siahnouk patungong Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rouge na dati niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamiha’y binubuo ng mga magsasaka, at hindi na niya binigyang-halaga ang ideolohiyang komunista ng mga ito.
Sa simula’y malaki ang pag-asa naming kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, naging malinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya at naparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalambahala ang administrasyon at sandatahang lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North Vietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong sa Estados Unids. Walang nakinabang kundi Khmer Rouge na tinatangkilik ng mga intsik. Bumagsak ang bansa sa isang pangkalahatang digmaan-bayan. Sinabayan ito ng nakakasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang bansa na magtago ng salaping dayuhan, lalo na ang dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit ng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975.
Kakatwang kaming mga propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh ay naniwala rin sa palagay ni Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindi maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang programa, na itinataguyod din ng United Front of Kampuchea ni Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng komunismo. Sa halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng “Ang mga mamamayang Cambodia,” “Pambansang Kalayaan,” “kapayapaan,” “Niyutralidad,” “Kalayaan,” at “Demokrasya.”
Ako ma’y sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming Bees Club, isang proesyonal na may magkakaparehong kaisipan – mga opisyal ng mga gobyerno, propesor sa mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala kaming – laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang bulok at walang-silbing si Lon Nol. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible, isang koalisyong pamahalaan kasama na ang Khmer Rouge.
Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalang nagtatguyod sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil nakita at nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa siyudad, kasama ang buong pamilya, noong 1972. Madalas ko siyang sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginiit ko pang nabubulagan lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sariling tauhan sa mga gerilya si Shanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mga kababayan at naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat, Cambodian silang gaya namin.
Noong unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na mababago ang pamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos na pagtatatag ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa si Sihanouk sa solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-ias ng Abril, nahikayat umalis si lon NOl, at nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwan ang pamumuno ng gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala na akong dapat ikatakot nang bumagsak ang dating rehimen. Isa lamang ako sa karaniwang inhinyero. Hindi naming kailangan umalis ng bansa. Hinintay ko ang pagkatapos ng digmaan at umaasang magkakaroon ako ng bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia.
Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago naming nalakbay ang dalawang milyang distansiya papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ng siyudad, ang pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh – malalapad ang mga kalyeng natatamnan ng mga puno at magkakahiwalay na mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, may sapat na lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si Oan. Dalawang palapag ang bahay niya, protektado ng mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan iyon dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng bansa ang asawa’t anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan.
Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin, ipinasok ko naman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamag-anak – si Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, ang aking dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamlya nila, at ang aming mga magulang – tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang Makita kami. May isang oras na sila roon at nag-aalala na sa amin.
Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda ng pagkain ang mga babae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vouch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawampu’t isa, ang intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon sa siay sa unibersidad, nag-aaral ng inhinyeriya na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang simpleng pananamit at mabigat na pagsasalita, wari’y determinadong takasan ang tradisyunal na papel ng babae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki. Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kun nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapako ang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika.
May bukas na isang radyo sa mesa, pero walang balita, puro tugtog military. Tinanong ako ng kapatid kong lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon lang ang kabataan sa akin si Theng, may asawa siya at tatlong anak, dalawang lalaki at isang sanggol na babae. Medyo bilib siya sa akin sa mga usapang pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa kanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministry. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulang naming, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya mas napakikinabangan siya kung mabigat ang trabahong dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre ‘yan ng mga opisyal ng magkabilang panig…
“E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo?” sabat ni Vouch.
“Nakapagtataka nga,” sabi kong hindi tumitingin sa kanya para makaiwas.
“Pero wala namang dapat ipag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si Prinsipe Sihanouk. Makikita mo.”
‘At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating pagkakamali niya.”
Bahagyang katakimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang nagsabi: “Ano sa palagay mo, Sarun?”
Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siay noon bago maaksidente sa isang motorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon na nakararaan. Hindi na siay tulad ng dati. Dati’y masayahin siya at mapaglaro, ngayo’y lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan ay mahiyain siya sa parang bata, pero minsa’y galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Sabihin pa’y naalis siya sa eskuwela, pero hindi maunawaan kung bakit, ang hindki nagbago sa kanya’y ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limang-taong anak na babaing si Srey Rath.
“Ano sa palagay ko?” ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti. “ewan ko. Pero kung mababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli ‘yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?”
Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapan pa ang tungko doon. Ngumiti ako’t nagkibit-balikat.
“Ano ang ingini-ngiti mo riyan, Thay?” tila nanunumbat ang boses ni Keng muyla sa kusina. “Siguradong mabablik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bang tawagin mo na si Srey? Maghahain na kami.
Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga.
Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na paa bang kababalik mula sa pamamasyal sa buon bayan. “Sim!” Tawag ni Oan na gulat na gulat. “Ba’t nag-iisa ka? Nasa’n ang mga magulang mo?

78 comments:

navz_violet ayon kay ...

maganda talaga ang kwen2 ng mabuhay ka anak ko.!!!! isang aral sa ating na ang digmaan ay walang naidudulot na maganda at sa kahit anong anggulo natin tingnan wala talagang panalo dahil pareho lahat tayong biktima nito. (yun lang poh)

caren rajz ayon kay ...

ang MABUHAY KA ANAK KO ay tunay na salamin ng ating mga buhay at ng kung ano ang tunay na nangyayari sa ating kapanahunan. Pinatutunayan lamang nito na ang literatura ang siyang mainam na susi upang ating maisiwalat ang mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan, pamahalaan, pulitika at maging ang mga natatanging kababalaghan sa ating sistema.tunay ngang ANG DIGMAAN AY WALANG IDUDULOT NA BUTI BAGKUS AY PIGHATI'T KASALATAN.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ang akdang gnawa ni pin yathay ay isang malaking inspirasyon para sa ating mga mag-aaral ng na mas nalalaman ang kahulugan ng tunay nga digmaan at anu ang maaring magging dulot ni2 sa bansa. JULIE ANNE

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Masasabi ko na ang akda ay maganda. at malaki ang paniniwala ko na ang mga bagay na iyon ay talagang nangyari sa bansang iyon. natutunan ko sa akdang iyon na hindi dapat natin pahintulutan na ang pagaayos ng mga sigalot ay mauwi sa pagkasawi ng mga tao, pag danak ng dugo at malawakang digmaan sa mundo. sa digmaan, walang panalo, lahat ay talo.

ace ayon kay ...

Isang napakagandang akda ang ating tinalakay..
Ipinahihiwatig nito na ang digmaan ay walang magandang maiidudulot sa atin.
Ang tunay na bagay na makatutulong na matupad ang pagbabagong inaasam ay-PAGKAKAISA.

justine ayon kay ...

Masasabi ko na ang akda ay maganda. at malaki ang paniniwala ko na ang mga bagay na iyon ay talagang nangyari sa bansang iyon. natutunan ko sa akdang iyon na hindi dapat natin pahintulutan na ang pagaayos ng mga sigalot ay mauwi sa pagkasawi ng mga tao, pag danak ng dugo at malawakang digmaan sa mundo. sa digmaan, walang panalo, lahat ay talo.

aLtHEa ayon kay ...

tunAY na kAHanga hanGa ang naSabing akda..ang MabuHay kA aNak kOh ay suMasaLamin sa iLang kAtot0hanan sa kAsalUkuYang paNaHon..tulAd ng dIGmAan..'walang panalo...lahat ay talo'--Yan ang 1menSaheng naIs iPaab0t sA atin ng Akda...mAkamTan man ang pRinsipyoNG miniMitHI...ilanG buhay nAman aNg mAaariNg mAsawi!

marie ayon kay ...

isang napakandang akda ang Mabuhay ka anak ko... Dito nalalaman ko bilang isang mag-aaral at mamamayan ang mga di kanais nais na pangyayari sa ating daigdig katulad ng digmaan... Nakalulungkot mang isipin ay isa ito sa mga bagay na tunay na nangyayari sa ating lipunan..

Einstein ayon kay ...

Masasabi kong napaka seryosong akda na hango sa totoong mga pangyayari sa kasaysayan ng Cambodia...maganda ang akda at tunay na kapupulutan ng aral...ipinakita rin sa akda ang mga kagimbalgimbal ng resulta o bunga ng digmaan. Nakita rin natin ang mga dahilan kung kaya't magpasahanggang ngayon ay hirap pa ring bumangon ang bansang Cambodia at lubusan ko na ring naintindihan ang kalagayan ng kanilang bansa at ang mga pinagdadaan nila...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ang sb q maganda ang pagkakagawa ang akdang gnawa ni pin yathay ay isang malaking inspirasyon para sa ating mga mag-aaral ng na mas nalalaman ang kahulugan ng tunay nga digmaan at anu ang maaring magging dulot ni2 sa bansa.

Lan ayon kay ...

ey everyone...alan hir.. nga pala..hai...about the demo..about the mabuhay ka anak ko...napakaganda po ng akda ni pin yathay...sapagkat ipinakita nito ang eprkto ng isang bansang lubos na naapektuhan ng pagkakaroon ng digmaan...masakit para sa isang mamamayan ng ganitong bansa ang mabuhay sa isang kapaligirang hindi natin alam kung saan patutungo...anyway..its a nice story....sinabi din nga pala sa akda na walang mabuuting epekto ang pagkakaroon ng digmann,..

Kelvin ayon kay ...

Ang akdang Mabuhay Ka Anak Ko ay isang napakaganda at makatotohanang akda na tunay ngang nangyari sa buhay. Nakagagalak na pinakita dito ang epekto ng digmaan ito ay upang malaman at mamulat tayo sa mga masasamang epekto ng digmaan. Nagpapakita ito ng kamulatan ng mga kabataan ukol sa digmaan.

CLIFFORD!!! ayon kay ...

Labis kong nagustuhan ang akda ni Pin Yathay na pinamagatang Mabuhay ka, Anak ko sapagkat ipinakita nito ang totoong nangyayari twing uusbong ang isang bagong labanan!!! Ngunit... Sumasagi pa rin sa aking isipan na twing sasapit ang digmaan, ako'y labis na nalulungkot... Ito'y sa kadahilanang marami ang nasasawi't ang buhay ay nahahantong sa mapait na kamatayan...

celcel... ayon kay ...

Isa siya sa mga kuwento natin ngayon sa Panitikan na talaga namang umantig sa aking puso bilang mamamayan ng bansang Pilipinas. Sana naman ay matalakay pa natin ang mga susunod pang pangyayari sa buhay ni Pin Yathay. Kudos para sa akdang Mabuhay ka Anak ko...Ang dami kong natutunan sa buhay ni Pin Yathay at iyon ay kailangan nating magkaroon ng mapanuring pag-iisip ukol sa mga pangyayari sa ating banasa ito man ay sa ekonomiya, panlipunan at kapayapaan. Isa pa ay pinatunayan ng akda na sa panahon ng kagipitan ay nariyan ang ating pamilya na buong pusong tumutulong at dumadamay sa lahat ng panahon.....

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ANG KAWALAN NG PAGKAKAISA ANG SUSI SA PAGKAKAROON NG DI PAGKAKAUNAWAAN NA NAGBUBUBNGA NG SIGALUTAN SA PAGITAN NG DALAWANG DI MAGKASUNDONG PILOSOPIYA. DAPAT TANDAAN NG SINUMAN NA ANG PAGBABAGO AY DI NAGSISIMULA NG MALAKIHAN KUNDI NG DAHAN-DAHAN. SIMULAN NATIN ANG PAGPAPALIT NG KATAUHAN SA ATING SARILI, ALISIN ANG ANUMANG DI NAAAYON SA BATAS NG PANGINOON. PAGKAKAISA, PAGMAMAHALAN, AT KABUTIHAN ANG SUSI UPANG MAKALAAS ANG TANIKALANG-BAKAL NA GUMAGAPUS SA KAUNLARAN.

kenneth ayon kay ...

Si Kenneth Ramil nga poh pala ito... matapos kong mabasa ang akdang "Mabuhay ka, Anak ko! ni Pin Yathay nakadama ako ng isang masidhing kalunkutan sapagkat dito sa akdang ito ipinakita ang mga nagaganap sa isang magulo at madugong digmaan.. Dito rin lalo kong napatunayan na walang panalo at lahat talo sa isang digmaan.. kung saan maraming ari-arian at higit sa lahat sadyang kayraming inosenteng buhay ang nadadamay..

Kevin M. PITogo ayon kay ...


Ang digmaan talaga ay walang maidudulot na mabuti sa bawat panig. Ito ay nakasasama lamang sa bawat isa. Ang digmaan ay maituturing na aksaya lamang ng oras sapagkat nagtatalo sila gamit ang dahas at walang sinasabi saa bawat isa. Mas maganda siguro kung idaan na lamang sa magandang usapan.

eMi ayon kay ...

napaganda talaga ng nobelang MABUHAY KA ANAK KO..! nakakaantig ng damdamin sapagkat pulitika, mamamayan, at maging ang mga pinuno ay nagkaroon ng malaking papel sa nobela na nagbigay kulay sa mambabasa. higit na mas naantig ang aking damdamin sa pagkakaroon ng makabuluhang pagsasalaysay ni thay sa kanyang karanasan sa bansang pinagmulan, ang CAMBODIA...!? salamat poh..!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ang digmaan ay maituturing natin na misteryosong pandorra's box na ng binuksan ay nagkalat ng lagim at kamatayan...Pinatutunayan lamang nito na ang bawat tao'y may tungkuling ginagampanan sa kanilang bansa. Ang mga mamamayan ay nabuo hindi para sa hangaring makapanira ng buhay at mga pangarap kundi sa layunin ng dakilang pagmamahal. Nang mabasa ko ang akda, nasapantaha ko na ang mithiin ng tao na umunlad ang nakapagbubugso sa kanya na akuin ang isang kasalanan..tulad ng isang digmaan...huwag nating hayaan na ang masaklap na pahinang ito ng kasaysayan ng mundo ang syang magbibigay babala sa mga tao para sa isang magandang kinabukasan!

jay-r daisuke casono ayon kay ...

Tunay na napakaganda at napakamakahulugan ng nobelang MABUHAY KA ANAK KO sapagkat naipakita dito ang iba't ibang aral na may kinalaman sa digmaan. Nakaramdam ako ng iba't ibang damdamin na kung saan nanaig ang pagiging bukas ng aking isipan sa mga panibagong kaisipan ukol sa gulo at sa kapayapaan.

Eunice ayon kay ...

Masasabi kong napaka seryosong akda ang ating binasa at kapupulutan talaga ng aral sapagkat ito'y hango sa totoong mga pangyayari sa kasaysayan ng Cambodia...maganda ang akda at lubusan kon nang naintindihan ang kalagayan ng Cambodia na hindi madali ang mga pinagdadaan nila...

edrian ayon kay ...

Tunay ngang isang napakagandang akda ng "MABUHAY KA ANAk KO!" Isang nakatatakot na pangyayari ang mga naganap sa Camdia noon!!! Napakaganda ng pagkakasalaysay ng akda. ang digmaan ay hindi solusyon sa anumang problema sa bansa.

julie anne ayon kay ...

Masasabi ko na ang akda ay maganda. at malaki ang paniniwala ko na ang mga bagay na iyon ay talagang nangyari sa bansang iyon. natutunan ko sa akdang iyon na hindi dapat natin pahintulutan na ang pagaayos ng mga sigalot ay mauwi sa pagkasawi ng mga tao, pag danak ng dugo at malawakang digmaan sa mundo. sa digmaan, walang panalo, lahat ay talo.

markee ayon kay ...

malaki ang naitulong ng "Mabuhay ka anak ko" sa amin sapagkat iminulat nito ang katotohanan sa likod ng digmaan.makamit man ang tagumpay na minimithi, kailanmay hindi maibabalik sa atin nito ang mga buhay na nasama s a abo ng digmaan

Natalie ayon kay ...

m

Natalie ayon kay ...

maganda talaga ang kwentong ito. kasi di ko pa naba2sa to. wala bang talambuhay si pin yathay dito? hello answer my question. i asking you caren!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

eto na po ba ung buod nun??? please!!!! pwede po bang pakipaskil po ung buod nya,,.,.., pls......,.,..,..,,.

ako lang to.,,.., ayon kay ...

waaaaah,..,,.,. i neEd the summary of this story,.,. pls,.,. post it for my project.,,.pls,..,.,

Achmed d dead Terorizt ayon kay ...

Hindi rin pala xa maxadong mahaba noh??

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

sows.. mali-mali pu un words.. npkahirap tuloi ntndihin.. huhu.. neweis, tnx n ren..

totskie ayon kay ...

kung kayo'y nahabaan sa nobelang "Mabuhay ka Anak ko." , hindi pa buo ang nabasa o nakita niyo. Nasa kalahati palang kayo ng kwento... ΓΌ

gecelle ayon kay ...

Blogger,

Salamat po sa nag-post nito. Malaki talaga ang maitutulong nito sa report namin bukas. Pati po ung mga comments ninyo, makabuluhan.

Salamat po uli sa nag-abalang magpost nito.

Thank you po uli.

=)


- Gecelle
(MSHS)

kunji ayon kay ...

ano ba ang teoryang panitikan ng nobelang ito dahil nabasa ko lang ito hehehe!!!!!!!!
sa nobelang ito nasisiwalat kung papano ang mabuhay ng sa loob ng kaguluhan dito rin makikita kung paano makipaglaban upang mabuhay sa kaguluhan ng bansa dito mo malalaman kung gaano kalupit ang buhay sa loob ng magulang bansa na ginagalaw ng malilit n nilalang

rowell_09 ayon kay ...

ang akdang MABUHAY KA ANAK KO ay nagpabatid sa atin kung anung epakto ng digmaan sating mga tao at naninirahan sa mundong ito isang mensaheng may katotohanan na ang "digmaan ay walang mabuting dulot walana nananalo at walang natatalo bagkus ang bawat nilalang ay apektado mahirap man o mayaman" isiniwalat ni pina thay ang kanyang karanasan sa gitna ng digmaan,namatay ang kanyang asawa;t mga anak dahilan sa gutom na nagpaalab sa kanyang damdamin upang likhain ang nobelang ito,sa mga nakabasa niti nawa'y maging aral sa inyo ang akdang ito,,,,,

rowell_09 ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
rowell_09 ayon kay ...

ang akdang MABUHAY KA ANAK KO ay nagpabatid sa atin kung anung epekto ng digmaan sating mga tao at naninirahan sa mundong ito isang mensaheng may katotohanan na ang "digmaan ay walang mabuting dulot walana nananalo at walang natatalo bagkus ang bawat nilalang ay apektado mahirap man o mayaman" isiniwalat ni pina thay ang kanyang karanasan sa gitna ng digmaan,namatay ang kanyang asawa;t mga anak dahilan sa gutom na nagpaalab sa kanyang damdamin upang likhain ang nobelang ito,sa mga nakabasa niti nawa'y maging aral sa inyo ang akdang ito,,,,,

marjorie ayon kay ...

mgnda tlga ang kwento ng mabuhay ka,anak ko.,,,,,,dhl mrmi kmng npulot n arl d2,.....at hngo tlga sa totoong bhay ng tao at nsa2lmin d2 ang mga pngya2ri na nga2np sa atng bnsa,.......

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

kung sino man ang may kailangan na kaalaman ukol sa nobelang ito maaari lang po na itxt o tumawag sa sun
# na ito 09227034905 maraming salamat po
resty villaluna yalung

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

tunay na nakakapag pabago ng kaisipan ukol sa bansang kasangkot dito sa nobelang mabuhay ka anak ko ni pin yathay dahil sa kabila ng dinanas ng cambodia ay nakikipag sabayan pa rin sa husay at nanguinguna sa larangan ng matematika at sumasabay dina sa bagong teknolohiya kung kayat maraming manunulat na itinataguyod ang kasaysayan sa libro ng talaarawan ng mundo ang mga panahong pinagdaanang hirap ng bansang cambodia resty v. yalung po hi 09227034905

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

resty i lav u from CAREY TAPALES MWAH LAV U LAV U LAV U

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Napakaka ganda po ng akdang MABUHAY KA, ANAK KO!!! dahil naniniwala po akong walang idudulot na maganda ang DIGMAAN... wala pong nananalo rito.....yun lang po maraming salamat sa mga bumasa nito......MABUHAY ANG LAHAT NG MAG-AARAL!!!!!!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

kulang po yung nakapost sa mabuhay ka anak ko

rtcrex286 ayon kay ...

hindi tapos ang kwento niyo..kala ko ba magagaling ang gumawa ng blog na ito..ay anu ba...nasa star secion pa naman kau..haist!

sylveth_12 ayon kay ...

maganda nga ang kwento may tanong lang ako...bakit mabuhay ka anak ko ang pamagat?....at ano ang wakas?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hi.kilangan po namin ng boud ng mabuhay ka anak ko ni pin yathay.plz.tnx.kilangan po namain ngayon.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ah kailangan edi mag gawa k sa sarili moh!! lol

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

..wala bng buod yan?

rosemarie ayon kay ...

wla po bang buod itong kwento na ito.??

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ang ganda tlga!=) nkakainspire..

florie mae ayon kay ...

ba't parang kulang ang teksto?

-florie-

aren'zcute ayon kay ...

salamat sa nag post ng kanilang puna thank you justine ang ganda ng iyong puna ILOVE YOU

vanperr ja ayon kay ...

pagkatapos naming mabasa ang akdang ito, sinabi ng aming guro na kung ano ang aming magiging tanong namin sa binasang akda to serve as clarification, pero ang tanong lamang na tumatakbo sa aming isipan ay pare-pareho:
ANO ANG RELASYON NG PAMAGAT NA 'MABUHAY KA ANAK KO' SA BINASANG AKDA? can you answer my question? first time ako naka encounter nito eh. thanks. MORE POWER.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

maganda talaga ang akdang mabuhay ka anak ko ni pin yathay, dahil hango talaga sa toong buhay ni pin yathay,at maraming magandang mai dudulot na aral sa ibang bansa na hindi kailangan magkaroon ng digmaan dahil wala naman itong magandang patutunguhan ang buhay dahil lang sa digmaan ,at makita rin natin sa akda ang hirap na dinanas ng bansang cambodia dahil sa pag pasok ng mga komunista sa cambodia....

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

maganda talaga ang akdang mabuhay ka,anak ko ni pin yathay.it was so very interesting story and it can give more lessons w/ others.,,. i just want to say that pls...read more about story that pin yathay wrote,coz it was so very interesting, we can see that they sacrifice their self,to help others, i dn2 know if untill now, kung digmaan pa din ba? sa kanila?
pls anwer my question ,? coz it's my first time her.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

maganda talaga ang akdang mabuhay ka,anak ko ni pin yathay.it was so very interesting story and it can give more lessons w/ others.,,. i just want to say that pls...read more about story that pin yathay wrote,coz it was so very interesting, we can see that they sacrifice their self,to help others, i dn2 know if untill now, kung digmaan pa din ba? sa kanila?
pls anwer my question ,? coz it's my first time her.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ang ganda talaga ng kwen2ng i2 ang galing ni elynia ruth S, mabanglo na gumawa ng ng kwe2ng i2 ^^

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

can you please tell me what happened to cambodia's environment after what had happened in the story..? i'd really appreciate your answer. i'll be needing this report tomorow.so please answer me ASAP. thanks a lot..:))

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ano po bang pamayanan ang meron sa naturang kuwento?lalo na po sa tagpuan ng pangunahing tauhan? salamat po.

idiyn libaton ayon kay ...

talagang napakaganda ng mabuhay ka anak ko....
talagang nangyayari ito sa kasalukuyan.....tama?
napakagaling talaga ni pin yathay...
puno ng aksyon ang istorya....
yun lang!
god speed!

shella mae valle ayon kay ...

nagagalak ako dahil nabasa ko ang nobelang ito. mahirap talaga kapag walang pagkakaisa......
kailangan maging matatag tulad ni thay...namulat ang akng isip sa mga pangyayaring di kanaisnais......more power! no thankz....hehehe

charlot sandig ayon kay ...

oh my god!!!!
hindi ko inakalang napakaganda pala ng kwento......
nakakatouch naman....tulo tuloy sipon ko...
maraming salamat sa may akda...sa ipinamahaging nobela...
God Blesss.....

jo-ann saldivar ayon kay ...

kaaya-aya talaga ang kwento....
sana magkaisa na ang lahat at makakaroon ng kapayapaan para dili na mag gira sa kalibutan...hehe
understood?
hope So!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

san po may buod nito??? tnnx...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

wahhhhhhhhh... long quiz namin ngayong lunes... 100 items.. wiw

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

wahhhhhhhhh... long quiz namin ngayong lunes... 100 items.. wiw

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

.......napakaganda kaso kailangan co ng slogan help me plsss...... gwa nio nman ako texx. nio no cu 09322024524 ..plssss

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ang ganda tlaga ng kwen2 mrmi tyong ma22tunan dhil ang kwetong ito ay nagpapahayag ng damdmain.. un lang poh kea lang me quiz kme bukas eh!!! p2long nga poh.. i2 po no. q 09268137283.. 2long......................

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

:)wla bng buod n2, ang hba kc eh eh d q kyng bashn ng buo eh, kc maabutan pa aq na 4 na oras!!!! anu ba 2lngan nyo nga aq. blis me exam pa kc kme bks eh.,,, txt nio xken sgot ahhhhh.. tnx i2 no. q 09268137283

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Hmmmmmmmmmm. ybang naperfect ko test namin 1-50 hoooooo. galing ko tlaga.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

isa lng ang masasabi qOh...kahit anumang patayan ang gawin nyo,walang mananalo sa inyo sa halip na guminhawa ay papalubog ang mangyayari!!!pagkakaisa ang kasagutan sa lahat ng ito!!!that's all,thank you!!!tahaha!tahaha!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Kulang po ito aa haha

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you for being part of my project.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

para sa akin ang digmaan ay talagang walang maidudulot na maganda.bakit nga ba?kung mapapansin, bawat digmaan ay may daan daang mga tao ang nagbubuwis ng buhay para sa kanilang mga ipinaglalaban,ngunit maituturing ba nating tayo ay panalo?> hindi, marami ang nagbuwis ng buhay at namatay at kakaunti lamang ang mga natitirang buhay, hindi ito maikukunsidirang panalo dahil bawat grupo o panig ay nalagasan at namatayan. kaya hindi dapat hayaang magkaroon ng digmaan na maaaring makabago ng ating pamumuhay at pananaw sa buhay.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Maganda ang kwento. pero hanggang san ba ung kwento nto? Hnd sha tapos. saka hanggang dto lang ba ung kwento nya sa linyang to. "Matulog kna anak, bukas ay uuwi na tayo!" hanggang dyan lang po ba ang kwento? ASAP. need an answer. saka bt MABUHAY ka anak ko ang Title? anung ibig-sabhin po nun?
-From Claudine Espinosa

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

bkit po ba mabuhay ang anak ko ang pamagat ng akd? kailangan lang po nmin sa tkda.....

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

i luv u jara!.....from junwyn

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hi very interesting tong story tama nga naman wala naman nga tlagang madudulot na maganda yung digmaan sa halip ito pa yung sanhi kung bket nawawalan ng pagkakaisa kung patuloy nga naman tyong maglalabanan lalong lulubog ang bansa naten.para din tyo yung gumawa ng sariling hukay na pagbabaunan nten dapat idaan nalang naten sa mabuting usapan:)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

sana hindi n muli magkaroon ng ganitong digmaan na kagaya ng nangyare sa cambodia